Ang wika sa bawat nasyon ay may mahalagang papel na tumutulong tungo sa ikauunlad nito. Dahil sa wikang umiiral sa isang bansa bilang diyalektong pangkalahatan, nagiging madali sa bawat mamamayan na magkaunawaan sa mga nilalayon o naisin nila. Mahalaga na sila ay magkaintindihan sa lahat ng kanilang pinag-uusapn o tinatalakay lalo na kung ito ay tumutukoy sa pambansang interes at kagalingan.
Si Pangulong Manuel Luis Quezon ang itinuturing na "Ama ng Wikang Pambansa."Tuwing Agosto kada taon siya ay ating ginugunita upang parangalan sa kanyang naiambag sa kasaysayan. Bagamat nakakalungkot na mas ginagamit ang banyagang wika sa maraming tanggapan lalo na sa sentrong bahagi ng bansa.
Sa kabila nito, sa pagkakahala ni Pangulong Noynoy Aquino , muling nanumbalik ang kahalagahan ng ating pambansang wika. Ito ay solidong lenggwaheng ginagamit niya sa karamihan ng mga panayam, pagpupulong at maging sa taunang pag-uulat niya sa bayan. Ang Pangulo, bilang unang tagapagtaguyod ng wikang pambansa, ay nakapag-ambag ng malaking bagay upang patuloy na gamitin at paunlarin ang pambansang wika natin.
No comments:
Post a Comment