Monday, August 5, 2013

SONA 2013

     Ang masasabi ko sa SONA ng Pangulong Noynoy ay parang hindi ako sang ayon sa nilagdaan niyang programa ng Kalihim ng Kagalingang Panlipunan (Depatment of Social Welfare and Development) na nagbibigay ng buwanang cash o 4 P's (Pantuwid sa Pamilyang Pilipino Program) sa mga napiling mahihirap at tinatawag na Pantawad Pamilya. Sapagkat hindi lahat ng mahihirap na pamilya na karapat dapat din naman sa karapatang ito ay nabibigyan. Kumbaga marami rin ang wala sa listahan ng nabibigyan ng benpisyong ito. Isa pa, nagtuturo ito ng katamaran sa ilan nating kababayan na nakukuntento na lang sa kung ano ang ibiigay ng gobyerno at hindi na sila nagpupursiging magsikap o umangat sa buhay.
     Ipinagmalaki rin niya ang tungkol sa mga express ways kung saan nagiging madali ang pag biyahe ng mga motorista. Subalit ang proyektong ito ay nasimulan na ng mga pangulo na mas nauna kaysa sa kanya. Kumbaga, itinuloy niya lang ang mga hindi natapos ng nakaraang administrasyon.
     Nabanggit pa ng Pangulong Noynoy ang katiwaliang nagaganap sa Bureau of Customs sa pamumuno ni Raffy Biazon. Buong tapang ang kanyang pambubuko. Ang nakapagtataka, kaagad naghain ng pagbibitiw si Biazon, subalit  hindi ito tinanggap ng pangulo. Maaring naniniwala siya na hindi si Biazon ang problema sa nasabing ahensya kundi ang mas mababa sa kanya na dati ng maykababalaghang ginagawa sa bureau.
     Malimit na papatigil ang Pangulo sa kanyang SONA. Halatang makati ang kanyag lalamunan. Parang kinakapos siya sa pagsasalita, nag uubo. Marahil, bunga na rin ito ng di niya mapigilang paninigarilyo.

No comments:

Post a Comment